Posts

Image
                              "OFW"   Marami ngayon ang nagtatrabaho sa ibang bansa upang magtrabaho para sa kanilang pamilya. Naghihirap sila at nagpapaka-alipin para sa kinabukasan ng kanilang anak.    Ang akin ina ay isa ring OFW,nag-aalaga ng ibang bata kaysa sa kanyang sariling anak at ngayong malapit nanaman sumapit ang pasko hindi nanaman namin siya makakasama kahit man lang sa noche buena. Nangungulila ako sa pagmamahal ng isang ina pero naiintindihan ko naman ang dahilan nya,gusto niya lang mabigyan kami ng magandang kinabukasan kaya mas pinili niyang malayo sa amin.    Kaya kung kayo ay may mahal din sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa kahit malayo sila ipadama nyo na mahal nyo sila. Wag tayong hingi ng hingi ng pera at ipinambibili lang naman ng walang ka kwenta kwentang bagay. Mag-aral tayong mabuti upang sa maliit na bagay man lang na iyan makabawi tayo sa kanila at sa...